“Humayo kayo’t magpakarami.” Ito ang mga salitang binitawan ng Diyos nang nilikha Niya ang mundo at ang tao. Kung sa tutuusin, tunay nga nating nagampanan ito. Tignan mo nga naman ang ating bansa ngayon na punong puno na ng tao at sinasabi pa nilang “overpopulated” na. Ano nga ba ang ibigsabihin ng Diyos nang sinabi niya ang mga salitang iyan? Ito ba ay isang trabaho, kautusan, o regalo? “Humayo kayo’t magpakarami.”
Nang nahalal bilang bagong presidente si Ginoong Noynoy Aquino, maraming tao ang muling nakakita ng pag-asa at liwanag upang mabuhay ang bansa nating “namatay.” Naniniwala silang sa pamamagitan ni President Noynoy Aquino at sa mga ipapatupad niyang gawain ay muling babangon ang Pilipinas. Isa sa mga ito ay ang pagiging aktibo ng House Bill # 5043, Reproductive Health and Population Development Act of 2008, o mas kilala sa tawag na RH Bill. Ano nga ba ang RH Bill? Bakit maraming tao ang sumasang-ayon dito? Bakit marami rin ang hindi? Ang RH Bill ay isang kautusang pinag-iisipan pang ipatupad sa pamahalaan. Sinasaad dito ang awtoridad ng media upang ipatalastas sa publiko ang pag-gamit ng contraceptives at birth controllers. Ngunit bakit lumaki ng husto ang issue tungkol dito? Bakit pag shampoo, sabon, pagkain, o damit ang inilalabas ng media sa publiko ay hindi naman lumalaki ang usapan? Dito pumapasok ang konsepto ng Simbahan. Naniniwala ang Simbahan na ginawa ng Diyos ang katawan ng tao para sa pagpaparami at hindi para sa sarap. Naniniwala rin sila na ang katawan ng tao ang siyang templo ng Diyos. Kung saka-sakaling ipatupad ang RH Bill, marami ang gagamit nito at patuloy lang nilang babastusin ang templo ng Diyos.
Sa panahon ngayon, napakamodernisado na ng halos lahat sa mundo. Kasama na rito ang utak at pagiisip ng isang tao. Minsan, sa sobrang kahirapan at dami ng problema, hindi naiiwasan ng tao na gumawa ng isang bagay na hindi maganda. At ito ang punto na gustong ipalabas ng gobyerno sa pagiging aktibo ng RH Bill. Maraming kabataan ang nabubuntis ngayon, at kahit sabihin nating “Kasalanan na nila iyon”, ay wala pa ring magbabago. Isa pa ay ang mga kababaihang nabubuntis na hindi naman nila ginusto tulad ng mga kadahilanang napagsamantalahan at naharas.
Kung kayo ang tatanungin ko, payag ba kayo sa pagpapatupad ng RH bill na siyang tutulong satin na umurong ang dami ng populasyon at gayun na din sa kahirapan, o hindi dahil naniniwala kayong Diyos pa rin ang masusunod at hindi natin siya nararapat na bastusin?
Sa dulo ng usapan, ang salitang “responsibilidad” pa rin ang siyang magbibigay ng kasagutan satin. Huwag tayong umasa sa kanila. Mayroon tayong utak na bigay satin ng Diyos at karapatan na bigay ng pamahalaan upang madesisyon sa ating mga sarili.
- Celine Laroza
really. Hindi Condom at Pills ang sagot sa lumolobong problema dahil daw sa populasyon. Eh ano'ng ginagawa ng korupsyon sa gobyerno? Ng pangingikil ng ilan sa kaban ng bayan?
ReplyDeleteYan, ah. One good suggestion? Turuan ng RESPONSIBILITY 101 ang lahat ng di marunong magmahal sa kulturang Pilipino, lalo na ang mga nagmamahal sa aborsyon at mas lalo na ang mga nagsusulong ng RH Bill. Kung ayaw, e di paalisin sa pwesto!!!
payag ako sa Rh bill kung ang isang pamilya ay may limang anak ang dalawa d2 ay sasagutin ng simbahan at pamahalaan.
ReplyDelete